LABINDALAWANG pulis na lamang ang ginagamot sa COVID-19 habang walang naitalang dinapuan nito, ayon sa Philippine National Police -Health Service (PNP-HS).
Batay sa pinakahuling datos, walang naitalang dinapuan ng sakit na kung saan hanggang kahapon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa police organization ay nasa 48,824 habang ang mga nakarekober ay 48,684.
Nananatili naman sa 128 ang nasawi sa sakit na ang huli ay naitala nitong Pebrero 1.
Pumalo naman sa 128,037 ang mga pulis na tumanggap ng booster shot; 220,253 ang fully vaccinated; 3,559 ang naghihintay ng ikalawang dose at 672 pulis pa ang hindi nabakunahan kasama na ang 323 na mayroong medical condition.
Umaasa naman ang liderato ng PNP na sa laki ng bilang ng bakunadong pulis kasama na ang mahigit 50% na boosted kontra COVID-19 ay tiyak na ang kaligtasan sa organisasyon.
Gayunpaman, pinag-iingat pa rin ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos ang buong organisasyon hindi lang sa COVID-19 kundi sa lahat ng uri ng sakit. EUNICE CELARIO