12 TULAK, 76 VIOLATORS NG MGCQ ARESTADO

arestado33

CAVITE – UMAABOT sa 12 drug pushers, 9 sugarol at 67 violators ng MGCQ ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang magdamagang anti- criminality operations sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan ng Cavite kahapon.

Base sa police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia,  12 drug pushers ang nasakote ng Cavite PNP sa inilatag na anti-drug operation sa mga bayan ng Rosario, Kawit, Magallanes, Trece Martirez City, Bacoor City, Imus City kung saan nasamsam ang 33 plastic sachets na shabu at mga drug paraphernalia.

Samantala, nasakote rin ang 9 sugarol na tumataya sa jueteng at Montehan sa bayan ng Carmona kung saan narekober ng pulisya ang bet money na P2, 608.00 , jueteng paraphernalia, at playing cards.

Umabot naman sa 67 violators ng Community Quarantine na walang face mask at curfew hours ang dinampot ng mga operatiba ng pulisya sa Ca­vite City.

Bago bitbitin sa police stations ang mga suspek sa drug trade ay binasahan mula ng Constitutional Rights sa ilalim ng Miranda Rule at RA 9745 (Anti-Torture Act of 2009) kung saan pina-drug test at physical examination bago kasuhan sa Office of the Provincial Prosecutor. MHAR BASCO

Comments are closed.