12 TULAY ITATAYO VS TRAPIK

Anna Mae Lamentillo

LABINDALAWANG bagong tulay kabilang ang ginagawang bagong Estrella-Pantaleon bridge ang itatayo upang mapagaan ang matinding trapik sa Metro Manila.

Sinabi ni Anna Mae Lamentillo, chairperson ng Build, Build, Build Committee ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang mga kalsada sa Metro Manila  ay dinadaanan ng  1.3 milyong sasakyan kada araw  at ang mga bagong tulay na tumatawid sa Pasig River, Marikina River at Manggahan floodway  ay makatutulong upang mapagaan ang trapik.

Napagpasyahan ng DPWH  matapos ang isinagawang management study na magdadagdag  sila ng 12 tulay.

Nakatakdang magsimula ang konstruksiyon ng Binondo-Intramuros link habang itatayo na rin ang 633-meter BGC-Ortigas Center link.

Sarado ang Estrella-Pante­leon bridge dahil sinimulan na ang konstruksiyon nito  kahapon, araw ng Lunes.

Ang nasabing tulay ang nag-uugnay sa Makati City at Mandaluyong City.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, isa ang Estrella-Pantaleon Bridge sa dalawang tulay mula sa  aid grant ng  China na isasakatuparan sa bisa ng bilateral cooperation sa pagitan ng Filipinas at China.

Target nilang matapos ang konstruksiyon ng tulay na may habang 504.46 meters sa taong 2020.

One thought on “12 TULAY ITATAYO VS TRAPIK”

Comments are closed.