120 ANIBERSARYO NG MALOLOS CONGRESS

SEN-TITO-SOTTO

BULACAN – NAGING mainit ang pagtanggap ng mga Bulakenyo kay Senate President Vicente Sotto-lll  bilang panauhing pandangal sa ika-120 taon ng Malolos Congress.

Ganap na alas-7:35 ng umaga, sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pag-awit ng Lupang Hinirang.

Matapos nito’y ang bating pagtanggap ni City Mayor Atty. Christian Natividad kung saan binigyang pugay nito ang mahalagang papel ng Bulacan partikular ang Barasoain Church na dito’y nilimbag ang Unang Republika, ang ratipikasyon ng mahahalagang dokumento sa pagkamit ng kalayaan ng bansa.

Sinundan ito ng talumpati ni Bulacan Gobernor Wilhemino Sy-Alvarado na tumutukoy sa kasaysayan na pinanday sa makasaysayang Simbahan ng Barasoain sa panahon ni Pangulong Emilio Aguinaldo.

Matapos ito’y binigyan naman ng ang­kop na pagpapakilala ni Bise Gobernor Daniel Fernando ang bisita sa katauhan ni Senate President Vicente Sotto-lll.

Sa temang “Kongreso ng Malolos, panuntunan sa panahon ng Pagbabago,” aniya dapat kilalanin ang kasaysayan na isa sa mahalagang pagkilala at pagpapasinaya ni Gen. Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12 1898.

At makalipas ang tatlong buwan, mu­ling tinipon ni Aguinaldo ang lahat ng kanyang kaalyado at itinatag noong Setyembre 15, 1898 na hudyat ng pagiging isang bansa sa pagsibol ng kalayaan ng Filipinas.

Inihalimbawa nito si Marcelo H. Del Pilar, Dr. Jose Rizal at Mariano Ponce na tumuligsa sa mga prayle upang makamit ang minimithing tagumpay sa kalayaan ng mga Filipino mula sa mga mananakop. THONY ARCENAL

Comments are closed.