MAHIGIT sa 55,000 trabaho ang iaalok ng mahigit sa 120 kompanya sa nalalapit na virtual career fair na gaganapin sa Pebrero 17-21.
Ayon kay Jobstreet Philippines’ country manager Philip Gioca, ilan sa mga bukas na trabaho ay IT software specialists, digital marketers, sales executives, system analysts, customer service representatives, financial consultants, ESL teachers, accountants, engineers, IT developers, HR staff, at HR managers.
Maaari ring mag-apply para sa office administrators, dispatchers, merchandisers, warehouse staff, at quality assurance staff.
Kabilang sa mga kompanya na lalahok sa fair ang BDO, Mercedez Benz Group, LBC Express, Yamaha Philippines, Universal Robina Corporation, Aboitiz Construction, Converge, 51 Talk, Accenture, TaskUs, at Nestle.
Ang Virtual Career Fair ay bukas na ngayon para sa pre-registration sa pamamagitan ng http://bit.ly/JobStreetVCF.
Ayon kay Gioca, tulad ng inaasahan, ang most sought-after jobs sa kasalukuyan ay yaong nagbibigay ng opsiyon sa work from home tulad ng BPOs, sales at marketing.
Binanggit din niya ang maraming oportunidad para sa freelancers, project-based employment, at part-timers.
“The jobs are so varied, very different from the jobs that we saw before, which gives applicants more options,” aniya.
Comments are closed.