MAYNILA- SUMAMPA na sa 120 ang bilang ng overseas Filipino workers (OFWs) na nahawahan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa Department of Health (DOH).
Sa ipinalabas na datos ng DOH, ang mga nahawahan ng nasabing virus ay mula sa iba’t ibang bansa.
Walumpu sa mga ito ay mula sa Diamond Princess cruise ship na una nang iniulat ng DOH.
Sa 80 cases na napaulat sa Japan, 77 ang nakarekober habang ang tatlo ay nananatili sa ospital.
Labinsiyam naman na infected ay mula sa Grand Princess cruise ship na nakadaong sa California sa Estados Unidos.
Sa Singapore, siyam na Filipino ang positibo sa COVID-19, sa Hong Kong ay lima, apat sa United Arab Emirates habang dalawa sa France at isa sa Switzerland. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.