120 SASAKYAN HINATAK NG MMDA

MMDA-3

MAKATI CITY – NASA 120 sasakyan kabilang ang 30 tricycle na lumabag sa batas trapiko kagaya ng traffic obstruction ang hinatak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa clearing operation sa Maynila.

Ayon kay MMDA Task Force Commander Bong Nebrija, katuwang ang Manila Traffic and Parking Bureau (MPTB), Manila Police District (MPD) at Traffic Enforcement District  nang ikasa nila ang clearing operation sa area ng Tayuman, Dagupan, Jose  Abad Santos at Rizal ­Avenue.

Sinabi ni Nebrija na nasa 33 sasakyan kabilang ang 30 tricycles ang hinatak ng accredited tow truck ng MMDA dahil lumabag ito sa tricycle ban sa national highways.

Samantalang ang nasa 87 pang behikulo ang kanilang tinikitan dahil sa paglabag sa iba’t ibang batas trapiko tulad ng traffic obstructions.

Napag-alaman na ang dalawang behikulo na natikitan ay pag-aari ng kaibigan ni Nebrija na mayroong shop sa lugar.

Nilinis din ng ­naturang grupo ang Tayuman at  Rizal Ave­nue  kontra sa mga illegal sidewalk vendor at pinaalis ang mga nakahambalang sa hagdanan ng LRT station. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.