12,000 KILOS NG FROZEN MEAT NAKUMPISKA

Frozen Meat

NAVOTAS CITY – UMAABOT  sa mahigit sa 12,000 kilos ng frozen meat products ang nakumpiska ng awtoridad sa isinagawang raid sa isang storage house sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, humingi sa kanila ng tulong ang Enforcement Team ng National Meat Inspection Service (NMIS) ng Department of Agriculture matapos makatanggap ng report mula sa kanilang confidential informant hinggil sa pamamahagi at storage ng ilegal na slaughtered animals sa Brgy. San Rafael Village na inaalok para ibenta sa publiko.

Dakong alas-9:30 ng gabi nang salakayin ng pinagsamang mga tauhan ng NMIS sa pangunguna ni Dr. Isidro Callangan, Navotas Police Special Reaction Unit (SRU) Police Community Precinct (PCP) 4 at ng Northern Police District (NPD) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Brig. Gen. Rolando Ylagan ang lugar sa No. 48 Kalakal St., Brgy. San Rafael Village na nagresulta sa pagkakumpiska sa P1,054 boxes ng frozen meat products.

Pahayag ni Col. Balasabas, ang sari-saring parts at karne ng Paking ducks ay kabilang sa mga laman ng mga kahon na tumi­timbang ng 12,648 kilos na hindi sumailalim sa wastong slaughterhouse procedure at kawalan ng necessary permits at inspection certificate na malinaw na isang paglabag sa R.A. 9296 as amended sa R.A. 10536 na kilala bilang The Meat Inspection Code of the Philippines.

Ang mga nakumpiskang frozen meat products, ayon kay Dr. Callangan ay dadalhin sa NMIS-National Capital Region para sa proper disposition. VICK TANES/EVE GARCIA

Comments are closed.