INIULAT ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 12,021 bagong COVID-19 cases sa bansa kahapon.
Batay sa case bulletin no. 515 ng DOH, nabatid na dahil sa mga naturang bagong kaso ng sakit, ang total COVID-19 cases sa Pilipinas ay pumalo na sa 1,688,040 hanggang 4:00 ng hapon nitong Miyerkoles, Agosto 11.
Anang DOH, sa naturang bilang, 4.8% pa o kabuuang 81,399 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kabilang dito ang 94.8% na mild cases, 1.6% na severe, 1.5% na asymptomatic, 1.15% na moderate at 1.0% na critical.
Mayroon din namang naitala ang DOH na 9,591 na bagong gumaling sa sakit sanhi upang umabot na ngayon sa 1,577,267 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 93.4% ng total cases.
Samantala, may 154 pang pasyente ang sinawimpalad na bawian na rin ng buhay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19 kaya’t lumobo pa sa 29,374 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.74% ng total cases.
Anang DOH, mayroon namang 137 pang duplicates ang inalis nila mula sa total case count, kabilang dito ang 129 recoveries.
Mayroong tatlong unang na-tagged bilang recoveries ngunit malaunan ay natukoy na aktibong kaso pa pala.
Nasa 112 kaso naman ang unang na-tagged bilang recoveries ngunit natuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon.
Ayon sa DOH, batay sa pinakahuling ulat, ang lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Agosto 9, 2021 habang mayroong tatlong laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
“Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 2.0% sa lahat ng samples na nai-test at 1.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” anang DOH.
Dahil naman sa patuloy na pagtaas ng mga kaso, pinaaalalahanan din ng DOH ang lahat na patuloy na sumunod sa minimum public health standards.
Sakali naman umanong nakaranas ng mga sintomas ng sakit ay dapat na kaagad nang mag-isolate at kontakin ang inyong Barangay Health Emergency Response Teams. Ana Rosario Hernandez
28631 97548As I site possessor I believe the content material material here is actually superb , appreciate it for your efforts. 67732
8605 855224You wouldnt feel it but Ive wasted all day digging for some articles about this. You might be a lifesaver, it was an outstanding read and has helped me out to no end. Cheers! 766990
516645 424932You require to join in a contest initial with the finest blogs on the web. I most certainly will suggest this internet site! 368669