SA PATULOY na pagbaba ng bilang ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Middle East dahil sa Saudization policy, isang bagong merkado, na mas malapit sa Pilipinas ang sumusulpot: ang Taiwan.
Ayon kay ESG Consultancy Services Inc. founder Emmanuel S. Geslan, dahil sa ageing population at bumababang birth rate nito, ang Taiwan ay may kakulangan ng 120,000 trabaho at may inihandang mga plano upang mahikayat ang international students at migrant workers.
“Filipino migrant workers who have stayed in Taiwan for six years have a path to permanent residency while students can work part-time,” wika ni Geslani, isang recruitment consultant.
Tinukoy niyang basehan ang anunsiyo ni Chen Mei-Ling, Taiwan’s National Development Council (NDC) Minister, na ipapanukala niya ang job opening sa Legislative Yuan, ang parliament ng bansa.
Batay sa draft economic immigration bill, layunin ng panukala na panatilihin ang overseas students na tumanggap ng high school o vocational school degrees sa Taiwan. Kabilang din ang migrant workers na may anim na taong eksperyensiya sa Taiwan.
Kuwalipikado rin ang international students na naka-enroll sa mga ispesipikong education program tulad ng Overseas Youth Vocational Training School o Industry-University Cooperation Courses na dinisenyo para sa mga kabataan mula sa Southeast Asian countries. .
Kapag naaprubahan ang bill, ang mga residente ng Hong Kong at Macau na nakatugon sa criteria ay maaari ring mag-apply para magtrabaho sa Taiwan bilang mid-level skilled worker.
Hanggang noong Agosto ng nakaraang taon, ang industrial at service sectors ng Taiwan ay may manpower shortfall na 218,000 employees. Ayon sa NDC, 55 percent ng total shortfall, o 120,000 katao, ang kinokonsiderang medium-skilled jobs.
Ang mid-level skilled workers ay mula professional at technical assistants hanggang machine operators, drivers at skilled assembly line workers.
“Under the proposal, foreign mid-level skilled workers must be paid a minimum monthly salary of NT$41,000 (P74,000 ) in the industrial sector and NT$32,000 (P 57,000) in the social welfare sector so that it does not affect employment opportunities for local Taiwanese workers,” ayon sa NDC. RECTO MERCENE
Comments are closed.