122 OFWS MULA EUROPE NAKAUWI NA

NASA  122 overseas Filipino workers (OFWs) ang nakauwi na sa bansa mula sa iba’t ibang lugar sa Europe, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Dumating sa bansa ang nasa 92 OFWs mula Amsterdam sakay ng chartered flights sa NAIA Terminal 1.

Habang nasa 30 naman ang mula sa The Netherlands, Belgium at iba pang rehiyon sakay ng Singapore Commercial Flight.

Samantala, itinakda ng DFA Office of the Undersecretary for Migrant Worker’s Affairs ang ikatlong chartered flight ngayong araw.

Ilulunsad din ng DFA ang repatriation flight upang pauwiin ang mas maraming OFWs mula Europe, Saudi Rabia at United Emirates. DWIZ 882