122 PULIS NA COVID -19 POSITIVE NAGMULA SA CEBU

Archie Gamboa

CAMP CRAME-KINUMPIRMA ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa na sa kabuuang 499 bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID -19, 122 rito ay nakatalaga sa Cebu.

Aniya, as of June 21, 2020 umaabot na sa 499 pulis ang positibo sa COVID -19 at  122 rito ay mula sa Cebu habang  288 ay  nakarekober na.

Nakatalaga rin sa Cebu ang ikawalong nasawing pulis.

Kaya naman pinamamadali na ni Gamboa sa Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) sa pamumuno ni PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, ang pagkuha ng accreditation para makapagtayo ng RT-PCR sa Cebu.

Habang wala pang RT-PCR Testing Facility sa Cebu, may mga accredited facilities ang tumitingin sa mga pulis na positibo sa COVID-19 katuwang ang PhilHealth. REA SARMIENTO

Comments are closed.