124 OFWs SA LEBANON NAIS NANG UMUWI

ofw

NASA 124 overseas Filipi- no workers (OFWs) sa Lebanon ang nais nang bumalik sa Pilipinas sa gitna ng umiigting na tensiyon sa pagitan ng Israel at ng Hezbollah militants.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac, inaayos na nila ang repatriatiob ng naturang OFWs.

Itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 3 sa Lebanon noong nakaraang Sabado, na
nangangahulugan na boluntaryo ang repatriation ng mga Pinoy roon.

Naunang sinabi ni Cacdac na inihahanda na ang flight bookings at iba pang means ng transportation para sa mga Pinoy na uuwi mula sa Lebanon.

Bagama’t wala pang itinatakdang target date ang pamahalaan, sinabi ni Cacdac na nais nilang isagawa ang repatriation flights sa lalong madaling panahon.

“But we are looking at the possibility of this coming week na meron na maililikas from there and we are working on the rest in the coming weeks,” aniya.

Sa tala ng pamahalaan, nasa 17,500 Pilipino ang nasa Lebanon.