RIZAL- ARESTADO ang may 125 individual sa pinaigting na pitong araw na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa lalawigang ito.
Sa ulat ni Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director kay PRO4A-director P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr, nasakote ang mga suspek mula Marso 13 hanggang 19 sa pinaigting na kampanya kontra droga.
Sa kampanya kontra wanted person nadakip ang 66 suspek base sa warrant of arrest at labing pito ay most wanted habang isa sa mga ito ang nasa talaan bilang regional level, isa ang Provincial level at 15 sa city at municipality level at 49 dito ang wanted person.
Nasa 30 naman ang nalambat sa Anti-illegal drugs operation ng Rizal PNP, 39 dito ang nadakip at nakumpiskahan ng 216.3 gramo ng shabu at 12 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P1,472,280.00.
Samantala, 20 katao ang naaresto sa pitong operasyon kontra illegal gambling at nakumpiska ang bet money na P2,313.00.
Nakapiit na ang mga suspek at sinampahan ng kasong paglabag sa droga at illegal gambling.
ELMA MORALES