125-DAY MATERNITY LEAVE, APRUB NA SA BICAM

MATERNITY LEAVE

LUSOT  na ng bicameral conference panel ang huling bersiyon ng pinalawig na Maternity leave bill.

Inatasan ang naturang panel na pag-isahin ang Senate Bill No. 1305 at House Bill No. 4113 na naglalayon ng 105-day na maternity leave ng mga empleyadong magiging ina at pitong araw na puwedeng ilipat naman sa mga ama. Kasama  rito ang 15 araw na dagdag sa mga single mother.

Nirepaso sa Senado at Kamara ang maternity leave bill na kasalukuyang nasa 60-day paid leave para sa normal childbirth at 78 days naman para sa caesarean.

Susunod na sasalang naman ang batas sa Senado at House of Representatives para ratipikahan.

Oras na ito ay maratipikahan ng Kongreso ay isusumite na ito kay Pangulong Rodrigo Duterte para malagdaan at maisabatas.

Comments are closed.