NAKAHANDA ang 125 evacuation centers upang gawin bilang health facilities center nationwide, para sa mga biktima ng coronavirus, ito ang pahayag ng pamunuan ng Department of Public Works and Highways.
Ayon sa DPWH ang110 evacuation centers ay kumpleto, may power at water supply.
Sa kasalukuyan ang karagdagan 15 evacuation centers na health facilities ay matatapos sa lalong madaling panahon at kasama rito ang Butuan evacuation center.
Sa kasalukuyang ang Department of Public Works and Highways at Department of Health ay naghahanap ng karagdagan mga locations site para gawin exclusive health facilities .
Napipisil din bilang COVID facility ang mga munsipyo ng San Gabriel sa Tuguegarao, San Pablo sa Isabela, Mexico and Lubao sa Pampanga, Botolan in Zambales, Talavera sa Nueva Ecija, at Tabuk sa Kalinga.
Samantalang ang evacuation center sa Dalaguete sa Cebu, ay na-convert bilang health facility for Persons Under Investigation or Persons Under Monitoring.
Habang ang13 evacuation centers ay ginagamit ng Department of Social Welfare and Development at ng Disaster Risk Reduction and management Office bilang operation center. FROI MORALLOS