1,250 PUNO ITINANIM SA LA MESA NATURE RESERVE

NAGTANIM ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mahigit isang libong puno sa pagpapanatili ng ahensya sa tapat sa pangako nito sa pangangalaga sa kapaligiran.

Isinagawa ng DPWH ang tree planting activity sa La Mesa Nature Reserve sa Quezon City nitong Sabado bilang bahagi ng buwanang ika-125 anibersaryo ng ahensiya pagdiriwang.

Pinangunahan ni DPWH Secretary Manuel Bonoan, opisyal at kawani ng departmento ang pagtatanim ng 1,250 punong katutubo sa Pilipinas na binubuo ng 650 at 600 na punla ng kamagong at kawayan.

Ayon kay Bonoan ang pagtatanim ng mga puno ay hindi lamang isang mahusay na paraan upang maibalik ang kapaligiran bilang pangunahing aksiyon sa paglaban sa pagbabago ng klima.
PAULA ANTOLIN