MULING lumikha ng panibagong record ang pamahalaang lungsod ng Maynila nang makapagturok ito ng may kabuuang 125,598 doses ng vaccines sa loob lamang ng tatlong araw mula Hulyo 3 hanggang Hulyo 5.
Sa regular vaccination update na ipinost ni Manila Mayor Isko Moreno sa pagpapatuloy ng mas pinaigting na mass vaccination ng lungsod na tiwalang ang mga bakunang nauna nang binili ng pamahalaang lokal mula Sinovac ay mauubos na.
Matatandaan na noong Hunyo 24, dumating sa NAIA Terminal 2 ng may 400,000 doses ng Sinovac na binili ng alkalde mula sa tagagawa nito sa China.
Dahil dito, ang Maynila ang kauna-unahang lungsod sa mundo na bumili ng sarili nitong bakuna mula sa Sinovac. Ang nasabing doses ng vaccines ay sapat para sa 200,000 indibidwal na tatanggap ng dalawang doses bawat isa.
Pinasalamatan ni Moreno ang vaccinating teams matapos na makapagrehistro ng panibagong daily record na 43,011 vaccines na naiturok sa loob ng isang araw nitong Lunes,Hulyo 5.
Gayundin,tuloy tuloy ang vaccination program ng lungsod at nitong weekend ay nakapagturok ng may 42,649 vaccines noong Sabado at 39,938 naman noong Linggo.
Inilunsad din ang night vaccination sa Divisoria, mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga upang mapagbigyan ang mga market workers, vendors at public utility vehicle drivers na hindi kayang magpunta sa vaccination sites tuwing umaga dahil sa magdamag na trabaho at nanghihinayang sa kanilang kikitain.
At sa utos din ni Moreno, itinuloy ang mass vaccination program ng lungsod sa apat na malalaking shopping malls sa lungsod at sa 18 pampublikong paaralan at ngayon pati na sa private schools.
Dagdag pa dito, noong Huwebes isang mass vaccination ang ginawa sa isang hotel para lamang sa mga overseas Filipino worker (OFW) na papaalis na kung saan may 1,000 OFWs ang nabakunahan na bilang regalo ng lungsod sa mga makakabalik na sa kanilang employers sa ibang bansa.
Ayon sa alkalde, dapat ay mas mabilis ang vaccination kaysa sa infection, kaya’t inutos nito na ang vaccination ay gawing 14-oras ang operasyon, mula alas- 6 ng umaga hanggang alas- 8 ng gabi.
Ang Maynila ang siyang nangunguna sa lahat ng lungsod at munisipalidad pagdating sa mabilis at maayos na pagbibigay ng bakuna. VERLIN RUIZ
748078 865024Wow, incredible blog layout! How long have you been blogging for? you make blogging appear simple. The overall look of your website is great, as nicely as the content! xrumer 914116
692800 748137I think this web site has quite superb composed topic material articles . 708524
987202 954667I like this internet website because so a lot utile stuff on here : D. 383878