MAYNILA – MAYROONG oportunidad ang mga Filipinong job seeker sa higit 125,000 bakanteng trabaho sa pribado at pampublikong sektor na iniaalok sa Araw ng Kalayaan Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) job and business fairs sa buong bansa sa susunod na linggo.
Ang trabaho ay iaalok sa 21 lugar sa buong bansa kasabay ng paggunita ng ika-120 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas ayon sa ulat ng labor department kahapon.
May 621 employer ang lalahok (501 lokal at 120 sa ibang bansa) na may 63,426 trabahong lokal at 53,636 trabaho sa ibang bansa.
Ang trabahong lokal na may pinakamaraming bakante ay Production Machine Operator, Officer and Enlisted Personnel (AFP, PNP, NAVY, BJMP), Construction Worker/Laborer, Customer Service Representative, Mason (Rough/Finishing), Carpenter (Rough/Finishing), Company Driver, Service Crew, Production Worker/Factory Worker, at Retail and Sales Agent.
Nangangailangan din sa ibang bansa ng Service Worker/Hotel Worker, Nurse, Engineer, General Labor/Technician, Labor Worker, Forecourt (Pet-rol Filler), Butcher (Supermarket), Sales Personnel, Hospital Worker at Carpenter.
Ang mga bansang pupuntahan ay ang Kingdom of Saudi Arabia (KSA), United Arab Emirates, Qatar, Malaysia, Japan, Oman at New Zealand. PAUL ROLDAN
Comments are closed.