126 GURO UMATRAS BILANG BEIs SA LANAO DEL NORTE

Teacher

ANG mga pulis na ang aaktong board of election inspector (BEI) sa bayan ng Malabang sa Lanao del Norte.

Ito ay ayon sa Commission on Elections (COMELEC) ay nang umatras na ang 126 mga guro para magsilbi ngayon, May 13 midterm elections.

Gayunman, dalawa ang dahilan ng pag-atras, una ay dahil natakot ang mga guro habang ang iba naman ay kusang tu­manggi dahil hindi qualified.

Magugunitang noong isang linggo ay sinabi ni PNP Chief, General Oscar Albayalde na kanilang sinanay ang mahigit 200 guro sa Mindanao bilang standby BEI sakaling hindi maaaring umakto ang mga guro.

Ang mga pulis naman na magbabantay sa polling precinct ay dapat may layong 50 meters at maaari lamang silang lumapit sa pasilidad ng botohan kung sila ay tatawagin para sa kaukulang pagtugon sa trabaho.

Samantala, muling pinaalalahanan ni Albayalde ang mga kabaro na ma­ging maingat sa pagbibigay ng seguridad, iwasan na ki­lingan ang mga kandidato dahil apolitical o non-partisan ang kanilang orga­nisasyon. EUNICE C.

Comments are closed.