126 PULIS-MAYNILA PROMOTED

NANUMPA kahapon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Camilo Cascolan ang may 126 pulis na itinaas ang kanilang mga ranggo.

Ang mga bagong na-promote na pulis ay nanumpa sa Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City sa kabila ng mga kontrobersiyang kinakaharap ng ilang miyembro ng pulisya.

Ang mga na-promote sa kanilang ranggo ay nanggaling sa limang distrito ng Metro Manila kung saan isa sa kanila ay Police Superintendent, isang Police Inspector,  isang Senior Police Officer IV,  6 na  Senior Police Officer III, 29 Senior Police Officer I, 25 Police Officer III at 63 sa Police Officer II.

Pinaalalahanan din ni Cascolan ang mga bagong promoted na pulis na mahigpit niyang ipatutupad ang internal cleansing policy at papatawan ng parusa ang mga tiwali sa hanay ng pulisya at kanya namang bibigyan ng parangal ang mga karapat-dapat at tapat na pulis sa kanilang serbisyo.

Sinabi rin ni Cascolan na walang dahilan upang gumawa pa ng katiwalian ang lahat ng miyembro ng pulisya na sisira sa imahe sa kanilang organisasyon dahil tinupad na ni ­Pangulong Duterte ang kanyang ipinangakong pagtataas ng sahod sa hanay ng pulisya.

“We have the full trust and support from the go­vernment and the people,” ani Cascolan.

Nakiusap din si Cascolan na suklian ng tamang pagtiwala at suporta ang mga namumuno sa kasalukuyang adminis­trasyon ng ating mga kababayan.             MARIVIC

FERNANDEZ

Comments are closed.