127 TULAK, WANTED NADAKIP SA 24-ORAS NA SACLEO

UMABOT  sa 127 katao kabilang ang 66 na drug suspects ang nadakip ng Station Drug Enforcement Unit(SDEU) bukod pa sa 53 wanted na nasakote ng Tracker team sa manhunt operation sa inilatag na isang araw na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations(SACLEO)sa Bulacan kamakalawa.

Base sa report ni P/Col. Manuel Lekban Jr., Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, kay P/Brig. Gen. Matthew P. Baccay, Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO3) pawang nakadetine ngayon ang mga nahuling drug peddlers at sangkot sa droga mula sa 20 bayan at tatlong siyudad sa Bulacan at tanging ang bayan lamang ng Dona Remedios Trinidad ang walang nahuling drug suspect mula sa 24 na bayan at siyudad sa Bulacan.

Bukod sa City at Municipal Police Station(MPS)ay kasama din sa anti-drugs operation ang Bulacan Provincial Intelligence Unit(piu)at Provincial Drug Enforcement Group(PDEG) at umabot sa 223 pakete ng shabu,sling bag,isang caliber 45 pistol,mga bala,assorted drug paraphernalias at buy-bust money ang narekober sa magdamagang kampanya laban sa droga at kriminalidad sa probinsiya.

Nadakip din ng Bulacan PNP ang 53 wanted person sa Lalawigan matapos ang manhunt operation na isinagawa ng Tracker team ng pulisya sa tatlong siyudad at 21 bayan bukod pa sa mga nadakip sa police response sa ikinasang SACLEO na nagsimula noong alas 12:01 ng madaling araw noong huwebes at natapos ng alas 11:59 ng hatinggabi ng nasabi ding araw.

Ang SACLEO ay direktiba ni Baccay sa Bulacan PNP at sa magdamagang operasyon laban sa droga at wanted at pasaway ay nakorner ang mga suspek sa matagumpay na operasyon ng kapulisan sa Lalawigan na nangunguna sa Region 3 sa dami ng nadadakip na mga drug suspects at most wanted person. MARIVIC RAGUDOS