INIULAT ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 12,751 bagong kaso ng COVID-19 nitong Miyerkoles.
Base sa case bulletin no. 543 ng DOH, dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umakyat na sa 2,134,005 ang naitatalang total COVID-19 cases sa bansa hanggang nitong Setyembre 8, 2021.
Sa naturang bilang, 7.1% pa o 151,135 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman at maaari pang makahawa.
Sa aktibong kaso, 91.6% na mild, 3.7% na asymptomatic, 2.54% na moderate, 1.5% na severe at 0.7% na critical.
Mayroon namang 20,151 bagong pasyente ang gumaling na sa karamdaman.
Sanhi nito, umaabot na sa ngayon sa 1,948,198 ang total COVID-19 recoveries sa bansa, o 91.3% ng total cases.
Samantala, mayroon pang 174 pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa karamdaman.
Sa kabuuan, mayroon nang 34,672 pasyente ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 o 1.62% ng total cases.
Ayon sa DOH, mayroon pa ring 54 duplicates silang inalis mula sa total case count, kabilang dito ang 46 recoveries.
Mayroon din 80 kaso na unang tinukoy bilang recoveries ngunit malaunan ay natuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon. Ana Rosario Hernandez
338965 605011Today, I went to the beach with my children. I found a sea shell and gave it to my 4 year old daughter and said “You can hear the ocean if you put this to your ear.” She put the shell to her ear and screamed. There was a hermit crab inside and it pinched her ear. She never wants to go back! LoL I know this is entirely off topic but I had to tell someone! 240975
801647 208453I discovered your website web site online and check numerous of your early posts. Keep on the top notch operate. I just now additional your Feed to my MSN News Reader. Seeking for forward to reading much far more from you locating out later on! 409294