12,805 BAGONG KASO NG COVID-19

INIULAT  ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila hanggang Setyembre 29, 2021, ng 12,805 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Base sa case bulletin #564 na inilabas ng DOH, dakong alas-4:00 ng hapon, nabatid na dahil sa mga naturang bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon ang total COVID-19 cases sa bansa sa 2,535,732.

Sa naturang bilang, 5.2% o 132,339 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa.

Sa aktibong kaso, kabilang ang 76.7% na mild cases, 16.4% na asymptomatic, 3.91% na moderate, 2.1% na severe at 0.9% na kritikal.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 12,236 pasyente na gumaling na dahil sa virus kaya’t sa kabuuan, umakyat na sa 2,365,229 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 93.3% ng total cases.

Samantala, may 190 pasyente pa ang iniulat na sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Sa ngayon, mayroon nang 38,164 ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.51% ng total cases.

Ayon sa DOH, mayroon ding 38 duplicates ang inalis nila mula sa total case count, kabilang dito ang 27 recoveries.

Mayroon 120 kaso ang unang tinukoy bilang recoveries, ngunit malaunan ay natuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon.

“All labs were operational on September 27, 2021 while 1 lab was not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 1 non-reporting lab contributes, on average, 0.2% of samples tested and 0.3% of positive individuals,” anang DOH.

“The relatively low cases today is due to lower laboratory output last Monday, September 27. Testing output last September 27 is only 51,377 compared to the 70,134 average daily testing output for the last 7 days,” anito pa. Ana Rosario Hernandez

292 thoughts on “12,805 BAGONG KASO NG COVID-19”

  1. 841028 415873 Spot on with this write-up, I truly believe this website needs much much more consideration. Ill probably be once again to read considerably far more, thanks for that information. 251705

Comments are closed.