NAKAPAGTALA ng 1,295 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.
Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Hunyo 6, 2022, naitala ito simula Mayo 30 hanggang Hunyo 5, 2022.
Mas mababa ito ng 1.4 porsiyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Mayo 23 hanggang Mayo 29.
Nasa 185 naman ang daily average cases.
Samantala, may 16 na bagong severe and critical cases habang isa ang pumanaw sa nakalipas na linggo.
Nasa 18.1 porsiyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 4,031 sa 22,245 non-ICU beds ang gamit.
Nasa 14.7 porsiyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 386 sa 2,632 ICU beds ang gamit.
Nasa 599 ang severe and critical admissions, o 11.1 porsiyento ng kabuuang COVID-19 admissions.