NASA 1,297 ang panibagong napaulat na kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Huwebes, Nobyembre 18, pumalo na sa 2,821,753 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa, 23,158 o 0.8 porsiyento ang aktibong kaso.
Nasa 58.5 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.1 porsiyento ang asymptomatic; 19.96 porsiyento ang moderate; 12.2 porsiyento ang severe habang 5.2 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 305 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 46,422 o 1.65 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 1,956 ang gumaling pa sa COVID-19 kaya pumalo na sa 2,752,173 o 97.5 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.