UMAABOT sa 12,970 doses ng COVID-19 vaccines ang nasayang at hindi naiturok sa mga mamamayan dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga dahilan ng pagkasira ng mga bakuna ay temperature “excursions,” transportasyon, kawalan ng labels, at presensiya ng mga particulate matter.
“Most of the reasons would be itong temperature excursions, merong nagkaroon ng sunog sa Cotabato at Ilocos Norte dati kung saan ang ilang bakuna natin ay nadamay sa pagkasunog,” dagdag pa ni Vergeire.
“Merong nabalitaan na wastage dahil sa transport, du’n sa bangka na sinasakyan nila may issue na parang nalubog ang vaccine transport boxes doon,” aniya pa.
Sinabi ng health official na ang mga vaccine doses naman na may sirang label ay hindi na rin napakinabangan pa.
“Yung iba naman may particulate matters du’n sa bakuna sa ilalim ng bakuna…pagka ganun di na natin yan pinagagamit,” aniya pa.
Nabatid na hanggang nitong Linggo, umaabot na sa 24.3 milyong Pinoy ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.
Nasa 27.8 milyong Pinoy na rin naman ang nakatanggap na ng unang dose ng kanilang bakuna.
Target ng pamahalaan na makapagbakuna ng mula 50 milyon hanggang 70 milyong Pinoy hanggang sa katapusan ng taon upang makamit ang population protection laban sa COVID-19. Ana Rosario Hernandez
770568 297903educator, Sue. Although Sue had a list of discharge instructions in her hand, she paused and 866817
966480 726433I likewise conceive so , perfectly written post! . 752450
633300 43614I like your writing style truly loving this web site . 417667