NAGBABALA ang isang ranking official ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa posibilidad na makapagtala ng hanggang 12,000 bagong kaso ng Human Immunodeficiency Virus-Acquired Immunodeficiency Syndrome o HIV-AIDS sa bansa kung hindi magkakaroon ng malawakang kampanya laban dito ang Department of Health (DOH) katuwang ang iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Ayon kay House Deputy Majority Leader at KABAYAN partylist Rep. Ron Salo, base sa pinakahuling report ng DOH-Epidemiology Bureau, ang naitalang HIV cases sa unang anim na buwan pa lamang ng 2018, ay higit doble na ang bilang kumpara sa mga kaso naiulat sa kabuuan ng taong 2017.
Ang pagdami sa bilang ng nagkakaroon ng nasabing sakit ay hindi lamang nangyayari sa National Capital Region (NCR), Calabarzon at Central Luzon kundi maging sa Central Visayas, Western Visayas at Davao region na rin.
Dagdag ni Salo, sapul noong 2010, kung saan naideklara na sa Filipinas bilang epidemya ang HIV cases, ay patuloy na kumakalat ang sakit sa lahat ng ‘age group’ sa bansa.
“We can plainly see from the latest official data on HIV-AIDS that current programs of the government, NGOs, and private sector have hardly made any dent on the HIV epidemic in our country. The epidemic firmly established itself in 2010 and has skyrocketed since then. We could have 12,000 newly-diagnosed cases in 2019 at the soonest,” pagbibigay-diin ng partylist lawmaker.
Nabatid din sa report, na sa 6,532 na bilang na tinamaan ng HIV-ADS mula Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon, 276 na sa mga ito ang binawian ng buhay.
Kaya naman nanawagan ang mambabatas na mahigpit na tutukan ng DOH at iba pang ahensiya ang sektor ng ‘young adults’ kabilang ang mga lugar ng mga ito kabilang ang kanilang ‘work place’ o pinapasukang trabaho at hanapbuhay lalo’t sa kanilang hanay umano naitala ang mataas na bilang ng nagkaroon ng HIV-AIDS.
Samantala, nabatid na nitong July, 2018, nasa 859 ang bilang ng ‘new HIV antibody seropositive individuals ang nairekord: 21% o 193 ang may ‘clinical manifestations’ ng advanced HIV infection.
Nasa 93% naman ng naitalang kaso sa naturang buwan, o kabuuang 801 ang pawang mga lalaki; na ang kalahati o 430 ay nasa edad 25-34 years old, 28% o 240 ang 15-24 years old at 28% o 240 ay 15-24 years old.
Nasa 31% o 264 cases ang mula sa NCR, 17% o 146 sa Region 4-A, 9% o 75 sa Region 3, 7% o 62 sa Region 6, 7% o 59 sa Region 7 at 7% o 58 sa Region 11.
“Sexual contact remains the predominant mode of transmission (98%, 841). Among this, 82% were from males who have sex with males (MSM).
Other modes of transmission were needle sharing among injecting drug users (1%, 10) & mother-to-child transmission (<1%, 1). There were seven cases that had no data on mode of transmission.” sabi sa naturang DOH report. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.