UMAABOT na sa 12,696 bata sa Calabarzon mula sa Priority Groups na may 5 hanggang 11-anyos ang bakunado na laban sa COVID-19 simula nang ilunsad ng Department of Health (DOH) Center for Health Development ang ResBakuna Kids regionwide noong nakalipas na Linggo.
Sa tala ng DOH-Calabarzon, nangunguna ang lalawigan ng Cavite na may 8, 276 bata ang bakunado na, sumunod ang Rizal na may 2,040 bata habang ang lalawigan ng Laguna ay 1, 623 at ang Batangas ay 708 samantala ang lalawigan ng Quezon ay 49 bata.
Naunang inilunsad ng DOH-Calabarzon ang symbolic vaccination rollout sa mga lalawigan kung saan unang ginanap ang ResBakuna Kids Program sa Batangas Medical Center sa Batangas City at Southern Tagalog Regional Hospital sa Bacoor City, Cavite, sinundan ito sa Sky Ranch Theme Park sa Tagaytay City, Cavite.
Ayon kay Ariel I. Valencia, regional director ng DOH-Calabarzon, ang pilot implementation ng COVID-19 para mga bata ay sinuportahan ng national at local governments, private organizations at stakeholders para protektahan ang kalusugan ng populasyon laban sa banta ng virus.
Pinasalamatan din si Valencia ang suporta ng mga magulang, vaccination teams at volunteers para maging matagumpay ang regionwide ResBakuna Kids Program.
Nitong Pebrero 14, aabot sa 19, 972, 536 doses ng COVID-19 vaccines ang naipamahagi sa mga active vaccination sites sa Calabarzon kaya naman umabot sa 9, 353, 337 (70%) individuals ang fully vaccinated habang 10, 079, 149 (76%) naman individual ang naka-1st dose at 1, 576, 671 (17%) ang nakatanggap ng booster dose. MARIO BASCO