MAKAPAGTATRABAHO nang muli sa Hong Kong ang mahigit sa 12,000 overseas Filipino workers (OFWs).
Inianunsiyo ni Consul General Raly Tejada ang deployment ng mga OFW sa Hong Kong sa mga susunod na araw.
Mahigit sa 7,000 rito ang bagong manggagawa samantalang mahigit sa 4,000 ang mga natanggal sa trabaho subalit nakahanap ng bagong trabaho.
Ipinaalala ni Tejada na responsibilidad ng employer at ng mga agency na nagpadala ng OFW kung saan sila iqua-quarantine ng 14 na araw bilang pagsunod sa patakaran ng Hong Kong government.
Samantala, 200 stranded na Filipino sa Hong Kong ang napauwi na ng konsulado samantalang may naghihintay pa ang nasa 250 para makauwi ng bansa. DWIZ882
Comments are closed.