INANUNSIYO ng Civil Service Commission (CSC), na may kabuuang 10,115 examinees ang pumasa sa Fire Officer Examination (FOE), habang 1,574 sa Penology Officer Examination (POE), at 1,081 iba pa sa Basic Competency on Local Treasury Examination (BCLTE) na isinagawa sa buong bansa noong 23 Oktubre 2022.
Ang mga bilang na ito ay kumakatawan sa 17.14%, 16.23%, at 18.13% ng kabuuang bilang ng mga FOE, POE, at BCLTE na kumuha ng mga pagsusulit, ayon sa pagkakabanggit
Nanguna sa pagsusulit sa FOE si Jayson E. Necida mula sa National Capital Region (NCR) matapos na makakuha ng rating na 92.66, na may 59,027 FOE examinees, habang sina Rolando O. Tubo, Jr. mula rin sa NCR at Jannette Quinne A. Hernando mula sa Davao Region, na parehong may rating na 91.08 ang nanguna naman sa 9,696 na kumuha ng pagsusulit sa POE.
Para sa BCLTE, nanguna sa 5,963 examinees sina Dexter M. Recio mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Yin K. Baitus mula sa SOCCSKSARGEN, at Kelvin B. Ramos mula Central Luzon, na pawang may 91.78 rating.
“Batid ko ang inyong pagpupursigi na makapasa sa civil service exam, at ngayon ay nagbunga ito. Binabati ko kayong lahat, at nawa’y mabigyan kayo ng pagkakataon na makapaglingkod sa pamahalaan at magsilbi bilang bagong henerasyon ng mga lingkod bayan na ating maipagmamalaki sa loob at labas ng ating bansa,” pahayag ni CSC Chairperson Karlo Nograles.
Ang mga top performers para sa FOE ay sina Lesther L. Reyes (Central Luzon) na may rating na 91.90; Spencer U. Mangalindan (Central Luzon), 91.65; Frida Iris G. Perez (Cagayan Valley), Janesse Mae D. Calibo (Northern Mindanao), Niño Joseph T. Salamanque (Bicol Region), and John M. Villahermosa (Davao Region), 90.89; Matthew D. Jimenez (Central Visayas), 90.63; at Joel Byron A. Navasca (Rehiyon ng Davao) at Mark Daniel D. Castro (Rehiyon ng Bicol), 90.38.
Habang sng mga top passers ng POE ay sina Ma Lyka R. Malate (Eastern Visayas) na nakakuha ng rating na 89.64; Rico M. Espino (NCR), Meryll C. Barrun (Bicol Region), and Jesus Sunga (Southern Tagalog), 89.16; Kierkymble M. Alcantara (Southern Tagalog), 88.67; at Benjamin C. Tobias III (NCR), Thea Alyzsa V. Tagabi (NCR), Thor Angelo G. Dela Cruz (NCR), at Queruben V. Valenzuela (SOCCSKSARGEN), 88.43.
Kabilang rin sa Top 10 passers para sa BCLTE ay sina Janice L. Talaro (Cagayan Valley), 91.51; Helen Grace A. Domingo (CAR), Rogelyn O. Amith (Central Visayas), Laumar Daime J. Bautista (Western Visayas), Arnel S. Rosas (Southern Tagalog), at Angielyn G. Corpuz (Ilocos Region), 91.23; and Ivan Gil C. Priego (Caraga) and Rowena C. Nangit (NCR), 90.96. EVELYN GARCIA