$13.5 BILLION PONDO IBIBIGAY NA SUPORTA PARA LABANAN NG DENR ANG CLIMATE CHANGE

TINATAYANG  aabot sa $13.5 billion hanggang sa pagtatapos ng taong 2024 ang matatanggap na technical at suporta na pondo ng Department of Environnment and Natural Resources (DENR) mula sa tinaguriang development partners nito para sa Climate Change action plan na ipatutupad ng ahensya upang labanan ang suliranin ng bansa sa pagbabago ng klima.

Ayon kay DENR Secretary DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, ang mga inisyatiba upang labanan ang lumalalang climate action ay suportado ng kolaborasyon ng 31 development partners sa 94 projects ng ahensya. 23 anya nito ay “ loan-funded” o umaabot sa kabuuang 96% ng total value of $13.5 billion. Ang mga proyekto na popondohan ng naturang partners ng DENR ay may kinalaman sa transportasyon, agrikultura, waste at industrial processes, at energy sectors.

“The country is making significant progress in its climate change action plan and support mechanisms, the Department of Environment and Natural Resources,”sabi ni Yulo Loyzaga.

Sa mga proyektong may kinalaman sa transportasyon, aabot sa $11.79 billion ang loans ng ahensya para rito na may 21 ongoing and two upcoming projects. Sa sektor naman naman ng agrikultura, sinabi ni Yulo Loyzaga na $81 million ang grants ng matatanggap nitong tulong, samantalang ang suporta naman para sa mga proyekto nitong pangkabuhayan at smart agricultural technologies, at waste at industrial processes sectors na natanggap nitong tulong ay aabot sa $11.79 million at $9.22 million na pondo para sa mga naturang proyekto.

Sa sektor naman ng enerhiya, sinabi ni Yulo-Loyzaga na kapansin pansin ang masiglang puhunan sa mga proyekto ng enerhiya na aabot sa kabuuang $1.08 billion.

“The country’s National Adaptation Plan (NAP) and Nationally Determined Contribution Implementation Plan (NDCIP) are actively addressing climate change impacts and helping local governments become more resilient through greenhouse gas emissions reduction and capacity-building,”sabi niya.

Ang NDCIP ay isang dokumento na naglalaman ng kontribusyon ng bansa sa layunin ng Paris Agreement na kontrolin ang mga gawaing nakasisira sa kalikasan at nagdudulot ng climate change tulad ng greenhouse gas emissions. “While the NAP is the country’s plan to mitigate and adapt to the adverse impact of climate change,”dagdag pa niya.

Bilang kinatawan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, sa Climate Change Commission (CCC) noong Hunyo, binigyang diin niya ang kahalagahan ng strategic coordination sa mga tinawag nitong development partners at financial institutions na tumutulong sa pagpopondo ng mga proyekto ng ahensya. “ This is to achieve mitigation and adaptation goals.This coordination ensures that adaptation and mitigation efforts are integrated across sectors, scales, and regions,” sabi niya.Ma.Luisa Macabuhay-Garcia