PANGASINAN- DEAD on arrival sa pagamutan ang isang 13-anyos habang limang katao pa ang nasugatan sa banggaan ng motor at tricycle Manila Notrh Road sa Barangay Anonas, Urdaneta City.
Batay sa report ng pulisya, ang biktima na ideneklarang DOA sa pagamutan ay nakilalang si John Lee Dacumos, pasahero ng tricycle mula sa Zone 4, Barangay Palina West, Urdaneta City.
Bumibiyahe ang naturang tricycle na minamaneho ni Marlon Amansec Qulinit, 40, nang bigla itong banggain ng isang motorsiklo minamaneho ng nakilalang si John Carlo Sabado Malbog kasama ang kanyang back rider na si alyas Gian, 18-anyos, na kapwa lasing.
Dahilan sa sobrang lakas ng pagkakabangga ay tumilapon sina Dacumos at Althea Fontanilla at bumagsak sa gitna ng kalsada habang ang tricycle ay napunta sa outer lane.
Isang mabilis na sasakyan naman ang dumaan at nasagasaan ang batang biktima kung saan ay nagtamo ito ng malubhang pinsala sa ulo, hindi naman huminto ang naturang sasakyan at tuluyang tinakasan ang naturang pangyayari.
Agad na isinugod sa pagamutan si Dacumos subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.
Habang sugatan din sa naturang aksidente sina Malbog, Corpuz, Fontanilla at mga pasahero ng tricycle na sina Jenny de Belen, 35 at Joshua Pacua, 15.
Samantalang sina Quinit at iba pa niyang pasahero na sina Justin Fontanilla, 16; James Fontanilla, 12; Joey Fontanilla, 14; Sina Charisse Andrada, 15, at Ashley Quinit, ay hindi naman nagtamo ng pinsala sa katawan.
EVELYN GARCIA