13 ARESTADO SA ILLEGAL LOGGING

CAGAYAN-DINAKIP ng mga awtoridad ang 13 katao dahil sa ilegal na namumutol ng mga punong kahoy sa bayan ng Lall-lo at Gonzaga ng nasabing lalawigan.

Sa impormasyon ng PNP-Cagayan, naaktuhan ng mga pulis ang limang kalalakihan na namumutol ng G-melina tree gamit ang chainsaw sa may Barangay San Lorenzo Lall-lo Cagayan.

Kasama ng PNP-Lall-lo ang ilang opisyal ng barangay, inaresto ang mga suspek matapos na mabigong magpakita ng permit para na putulin ang naturang mga puno gayundin hindi rin nakarehistro ang gamit na chainsaw na labag sa Rebublic Act No. 9175 o chainsaw act of 2002.

Kasabay nito, kinumpiska ng mga awtorida ang mga tinitistis na puno ng G-melina at ang gamit na chainsaw.

Sa bayan naman ng Gonzaga, Cagayan, walong kalalakihan ang hinuli rin ng pulisya matapos maaktuhan hinihila ang isang round log na punong kahoy sa malalim na bahagi ng ilog ng Cagayan River ng isang fishing boat na may habang labing dalawang metro sa Barangay Batangan ng nasabing bayan.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang walong indibidwal kasama ang nakumpiskang round log at fishing boat at inihahanda na ang maaring kasong isasampa sa mga ito. IRENE GONZALES

24 thoughts on “13 ARESTADO SA ILLEGAL LOGGING”

Comments are closed.