13 BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA SA PNP

HINDI lang sa ibang lugar sa Metro Manila may bagong mataas na kaso ng COVID-19 kundi maging sa Phi­lippine National Police (PNP) din.

Kinumpirma ni PNP Public Information Chief, Brig. Gen. Ro­derick Augustus Alba na mayroong 13 pulis ang bagong nadagdag sa kaso ng COVID-19 na ngayon ay nasa 48,901 na ang kabuuan.

Hanggang kahapon, kasama sa kabuuang kaso sa PNP ang 48,745 na nakarekober gayundin ng 129 na namatay mula Abril 2020 hanggang Abril 2022.

Sa datos ng PNP-Health Service, 27 pulis ang kasalukuyang nagpapagaling at ang mga ito ay nakabukod upang hindi makapanhawa.

Panawagan naman ni Alba, dapat maging maingat hindi lang ang mga pulis kundi ang publiko dahil nananatili pa rin ang pandemya at kahit pa fully vaccinated na ang 225,881 o 99.66% ng police force.

“Let’s not forget to always observe the minimum public health stan­dard. Wear your mask, observe social distancing, wash and sanitize our hands, obey all go­vernment health protocols and boost our immune system,” panawagan ni Alba. EUNICE CELARIO