CAGAYAN-INIIMBESTIGAHAN na ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pinagmulan ng sunog na tumupok sa labing tatlong bus na nasa impounding area ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 2 sa Tuguegarao City na tumagal ng halos isang oras kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Edward Cabase, Director ng LTFRB Region 2, hihintayin nila ang resulta ng imbestigasyon ng BFP paano at kung magkano ang halaga ng nasunog na mga bus.
Kasabay nito, humihingi ng paumanhin si Cabase sa nangyaring sunog sa kanilang impounding area sa Carig Sur.
Ani Cabase, ang mga nasabing bus ay deklaradong pagmamay-ari ng gobyerno sa pamamagitan ng isang resolusyon matapos na mabigo bawiin ang mga ito. IRENE GONZALES
Comments are closed.