USA – LABINTATLONG Filipino seamen, anim na Korean at US national ang naisalba makaraang tumaob ang sinasakyan nilang barko sa karagatang sakop ng Georgia.
Ang 19 na nailigtas ay pawang crew ng MV Golden Ray na pag-aari ng Hyundai Glovis ng South Korea.
Gayunman, apat na crew ang na-trap sa engine room ng barko at tiniyak ng US coast guard na mayroon silang contact sa mga ito.
Sa pahayag ng coast guard na wala silang gagawin kundi butasin ang isang bahagi ng barko upang maisalba ang apat.
Ang barko na may habang 656-foot ay nagtra-transport ng mga sasakyan nang magkaaberya sa bahagi ng St. Simons sa baybayin ng Brunswick, Georgia, at magkaroon ng sunog at saka tumaob.
Aabot sa 7,000 mga sasakyan ang karga ng barko na noon lamang 2017 ginawa. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.