13 ILLEGAL MINERS NASAKOTE

NUEVA VISCAYA- NASAKOTE ng mga awtoridad ang labing-tatlong indibidwal dahil sa umano’y iligal na pagmimina ng mga ito sa Solano sa lalawigang ito.

Batay sa report ng pulisya, ang mga naaresto ay kinilalang sina Wane, 32-anyos; Noli, 24-anyos; Jeremy, 25-anyos; Jeffrey, 26-anyos; Molly, 55-anyos; Don, 22-anyos; Jessie, 18-anyos; Jess, 18-anyos; Ian, 18-anyos; Kima, Ariel, George, at Nemy.

Ang naturang operasyon ay isinagawa makatapos na makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa illegal mining activities sa lugar na nagresulta sa pagkakahuli sa mga ito na aktong nagdadala ng mineral.

Nakuha mula sa suspek ang 500 bag ng ore na tumitimbang ng humigit-kumulang dalawang tonelada at dalawang sasakyan.

Dinala ang mga suspek at mga ebidensiya sa Bagabag, Nueva Vizcaya Police Station.

Habang nakipag-ugnayan naman si Col. Camlon Nasdoman, hepe ng Nueva Vizcaya Police Provincial sa Environment and Natural Resources Office (ENRO) para sa kaukulang dokumentasyon ng mga ebidensyang nasamsam.

Samantala, ang mga naturang suspek ay sasampahan ng mga kaukulang kaso. EVELYN GARCIA