13 lugar sa Pinas nakaranas ng “danger level” heat index ngayong April 16

TINATAYANG aabot sa 13 lugar sa Pilipinas ang nakararanas ng “danger level” na heat index sa patuloy na papainit na panahon at tagtuyot dulot ng  El Nino phenomenon.

Ayon sa forecast ng  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kasama sa nakaranas ng danger level na heat index  ang Dagupan City, Pangasinan at Puerto Princesa City, Palawan. Ang   heat index sa Dagupan City ay may  forecast na 45 degrees Celsius ngayong Martes.

Ang iba pang lugar na may danger heat index forecast na 43 degrees Celsius  ay ang Aborlan, Palawan; Sinait, Ilocos Sur; Laoag City, Ilocos Norte; Aparri at Tuguegarao City, Cagayan; Clark Airport, Pampanga; Muñoz, Nueva Ecija; Virac, Catanduanes; Zamboanga City at General Santos City na may  42 degrees Celsiusn naman.

Noong nakaraang linggo, nakapagtala ang Dagupan City ng danger level na  heat index na  46 degrees Celsius.

Samantala  ang iba pang lugar na may danger level na heat index ay ang  Aparri, Puerto Princesa na aabot sa  44 degrees Celsius; Pili, Camarines Sur, 43 degrees Celsius; Laoag City; Tuguegarao City; Echague, Isabela; Muñoz; Tanauan, Batangas; Aborlan; Iloilo City at Dumangas, Iloilo; Tacloban City, Leyte; Zamboanga City and Cotabato City, 42 degrees Celsius.

Ang Metro Manila naman ay nakapagtala ng  heat index na 41 degrees noong nakaraang Linggo.

Sinabi naman ni PAGASA Impact Assessment and Applications Section of the Climatology and Agrometeorology division chief Marcelino Villafuerte II na ang danger at extreme danger heat indexes o matinding patuloy na pag-init ng panahon sa bansa ay inaasahan hanggang  Mayo sa gitna ng summer a dry season.

Iitnuturing ng PAGASA na “extreme danger” ang  heat index kung ang temperatura ay tumataas sa pagitan ng 42 degrees Celsius hanggang 52 degrees Celsius pataas.

Ang “danger” level heat index  ay maaari ng magdulot ng heat cramps and exhaustion at  heat stroke.

Patuloy na pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na ilimit ang pananatili sa labas o pagbibilad sa init ng araw, pag inom ng marami, at pag iwas sa pag inom ng tea, coffee, soda at  liquor at gumamit ng pananggalang sa init tulad ng paggamit ng payong at komportableng pananamit kapag nasal abas.

Luisa Macabuhay-Garcia