13 MALALAKING PROYEKTO NG PILIPINAS SUSUPORTAHAN NG JAPAN

SUSUPORTAHAN  ng Japanese government ang 13 malalaking proyekto ng Pilipinas, ayon kay Kazuhiko Koshikawa, ambassador ng Japan.

Ito ay upang ipagpatuloy ang “Build Better More” sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang mga naturang proyekto ay ang widening ng 23-kilometer Arterial Road Plaridel Bypass Project Phase III sa lalawigan ng Bulacan, improvement and maintainance ng 1,184-kilometer Arterial National roads, road upgrading and preservation project (RUPP), 30-kilometer Central Luzon Link Expressway Link Expressway (CLLEX), na siyang nagkokonekta sa pagitan ng Subic-clark Expressway (SCTEX) at Tarla-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) sa Balinganaway sa Tarlac City, at ang konstruksiyon ng apat na lane ng 45.5- kilometer Davao City Bypass construction Project sa ilalim ng L/A nos. PH-P261 at PH-P273.

Ayon sa impormasyon, ang Japan ang tinaguriang largest donor ng Official Development Assistance (OD) sa Pilipinas mula pa noong taong 1966.

Nangako rin ang Japan na susuporta sa konstruksiyon ng Cebu-Mactan bridge at ang konstruksiyon ng coastal Road Project maging ang Road Network Development Project sa conflict-affected areas sa Mindanao. froilan morallos