13 PAGYANIG NAITALA SA TAAL VOLCANO

INIHAYAG ng ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon na umabot sa 13 volcanic earthquakes ang naitala sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs na ang mga naitalang pagyanig ay tumagal ng hanggang tatlong minuto.

Nakasaad sa bulletin ng ahensiya na nagkaroon din ng pagbuga ng volcanic gas sa main crater ng bulkan na umaabot sa 1,000-meter high plumes.

Sinabi pa ng Phivolcs tinatayang nasa 4,829 tonelada ng sulfur dioxide ang inilabas ng bulkan.

Gayundin, patuloy naman nakataas ang Alert Level 2 sa Taal Volcano na nangangahulugang maaaring mangyari ang steam-driven o phreatic bursts o lindol sa paligid nito.

Pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng permanentent danger zone ng Bulkang Taal.