13 PASAY HEALTH CENTERS BINUKSAN SA BOOSTER SHOTS

NASA 13 health centers sa Pasay ang binigyan na ng basbas na magturok ng booster shots kontra COVID-19.

Kaugnay nito, hinimok ng pamahalaang lokal ng Pasay ang mga residente sa lungsod na magpatala para sa kanilang iskedyul sa pagpapabakuna ng booster shots kontra COVID-19 sa health centers.

Nakahanda na ang 13 health centers sa lungsod para sa pagtuturok ng booster shots sa mga nauna nang nakapagpaiskedyul ng kanilang pagpapabakuna.

Ang 13 health centers na kasama sa iskedyul ay kinabibilangan ng Kalayaan Health Center na magbubukas tuwing araw ng Martes at Huwebes; Malibay health center na handang magbigay ng serbisyo tuwing Martes, Miyerkules at Huwebes; San Pablo health center (Miyerkules at Biyernes); Dona Nena health center (Huwbes at Biyernes); MIA health center (Martes at Huwbes) at M. Dela Cruz na tuwing Martes ay sa barangay hall at Biyernes naman ay sa kanilang health center.

Ang iba pang health centers na magtuturok ng booster shots sa mga residente ay ang Lagrosa, Cuyegkeng at Villamor Air Base na magbibigya ng serbisyo tuwing araw ng Mierykules at Biyernes; San Roque (tuwing Biyernes); Leveriza (tuwing Miyerkules); Dona Martha (tuwing Miyerkules, Huwebes at Biyernes); at sa San Isidro mula Lunes hanggang Huwbes lamang.

Iginiit ng pamahalaang lokal ang importansiya ng pagtanggap ng bakuna para na rin sa proteksyon ng mga residente laban sa COVID-19.

Layon nito na mapanatili ang zero COVID-19 case na dati nang nakamit ng lungsod bago mag Pasko nito lamang nakaraang Disyembre.

Base sa datos ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), nakapagtala ang lungsod ng pitong aktibong kaso na lamang ng COVID-19 at may dalawang bagong nakarecover.

Ang mga barangay na may tig-isang kaso ng COVID-19 ay ang mga barangay 32, 76, 119, 121, 171, 183, at 190. MARIVIC FERNANDEZ