(13 patay, 40 sugatan) KAMBAL NA PAGSABOG SA JOLO

pagsabog

UMABOT na sa labing tatlo ang namatay  kabilang ang pitong  sundalo at isang hinihinalang Indonesian suicide bomber na  babae sa naganap na twin explosions na ikinasugat ng 40 iba pa kahapon ng tanghali sa Serentes St, Barangay Walled City sa Jolo, Sulu kahapon.

Sa ulat kay Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Corleto Vinluan, naganap ang isang malakas na pagsa­bog dakong alas-11:53 ng tanghali harapan ng Paradise Food Plaza sa bisinidad ng  Barangay Walled City na kung saan isang  vehicle borne IED o improvised explosive device na nilagay sa motorcycle ang ipinarada at pinasabog sa tabi ng M25 military trucked .

Napag-alaman na naganap ang nasabing insidente habang namimili ang mga sundalo sa Plaza Rizal sa Jolo.

“Habang yung mga sundalo natin nagmamarketing dun sa Jolo yun biglang sumabog, lima yung killed in action natin dun, “ five yun killed in action tapos may 16 na wounded in action, tapos may apat na civilians yata namatay din… a sige, sigurado na, sigurado na yun,” ayon kay Vinluan.

Gayundin, tinitignan ng militar na posibleng si Mundi Sawadjaan na isang lider ng terrorist group ang nasa likod ng naganap na pagsabog.

“Isa sa mga angulo at tinuturing ng militar na nasa likod ng pagsabog si Mundi Sawadjaan leader ng isang  terrorist group. “.. ano pa rin bale actually nung last May pa namin hinahabol yan si Mundi Sawadjaan, siya yung same bomber na nag-execute ng bombing, suicide bombing dun sa cathedral saka sa dun sa (tanyon?) yung headquarters ng 1st BCT nung last year,” paliwanag ni Vinluan.

Dahil dito, agad na ipinag-utos ni Vinluan ang lockdown sa buong Jolo para sa posibilidad na mahuli pa ang mga suspek sa naganap na pagsabog kasabay ng pagpapaigting ng intelligence gathering sa pangambang masundan pa muli ang bomb attack.

Kinumpirma rin ng opisyal ang pagkamatay ng isang babaeng suicide bomber sa isinagawang secondary bomb explosion na ikinasawi rin ng isang sundalo na sumita rito su­balit agad na na- detonate ang bomba.

Kasunod nito, mayroong pa dalawang sundalo at anim na pulis ang nasugatan sa pangalawang pagsabog sa harapan lamang ng Development Bank of the Philippines (DBP) bandang ala-1 ng hapon.

Kabilang sa mga sinisilip na angulo ang retaliatory bomb attack dahil sa pagkakadakip kay Idang Susukan.

Agad namang naitakbo sa ng Joint Task Force Sulu sa Camp General Teodulfo Bautista Hospital ang mga sugatan. VERLIN RUIZ/ REA SARMIENTO

Comments are closed.