LABINTATLONG Pinoy na tumawid sa Polish border noong Sabado makaraang tumakas sa Ukraine ang dumating na sa Pilipinas noong Martes ng gabi, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa isang tweet nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Arriola ang mga larawan ng pagdating ng mga repatriate. Kabilang dito ang isang sanggol at tatlong estudyante na tumakas sa Ukraine kasunod ng military attack ng Russia.
The country’s envoy to Warsaw earlier announced that these Filipinos navigated the Rava-Ruska-Hrebenne Border Crossing Station on Feb. 26 where they were welcomed by Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.
“Kahapon, talagang naihatid namin sila sa airport. Thirteen po sila, ito ‘yung pangalawang batch namin,” sabi ni Ambassador Leah Basinang-Ruiz sa Laging Handa briefing noong Martes.
“At ngayon, masayang-masaya sila, they are really looking forward to going home and to be reunited with their families,” dagdag pa niya.
Ayon kay Basinang-Ruiz, may kabuuang 19 Pinoy na ang napauwi mula sa war-torn country, at inaasahan nilang marami pa ang hihingi ng tulong.
Dagdag pa niya, ang mga Pinoy na nais tumakas sa Ukraine ay bibigyan ng libreng transportation and lodging hanggang makabalik sila sa Pilipinas.