ISABELA-ISANG emergency virtual meeting ang ipinatawag ng Department of Health (DOH) Region-2 dahil sa lumolobong kaso ng COVID-19 kung saan labing tatlong pulis kabilang ang sampung kasapi ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Ilagan City Police Station.
Ayon kay P/Lt. Col. Virgilio Abellera Jr., hepe ng City Of Ilagan Police Station, kasalukuyan ng sumasailalim sa strict quarantine protocols ang mga miyembro ng SWAT na nagpositibo sa COVID-19.
Ani Abellera, isang kasapi ng SWAT ang nakasalamuha at direct contact sa kanyang kapatid na isang sibilyan na nagpositibo sa virus na nagawa pang mag-report sa kanilang himpilan dahilan para mahawahan sa virus ang ilang pang kasapi ng SWAT.
Gayundin, nagpositibo na rin sa virus ang tatlong pang Patrol Officer ng City of Ilagan Police Station.
20Samantala, nagsasagawa na ang PNP Ilagan City ng contact tracing sa mga kaanak na maaring nakasalamuha ng mga SWAT member habang nagnegatibo naman sa COVID 19 ang 38 pang kasapi ng City Of Ilagan Police Station na isinailalim sa swab test. IRENE GONZALES
Comments are closed.