13 STALLS SA MAKATI MARKET KINASTIGO SA PRICE TAG

DTI

INISYUHAN ng Department of Trade and Industry -Fair Trade Enforcement Bureau ng Notices of Violation ang 13 Stalls sa Palanan Wet Market sa Makati City.

Ito’y matapos madiskubre ng DTI na nagtitinda ang naturang mga stalls ng walang Price Tag.

Nag- isyu rin ang DTI-FTEB ng isang Show Cause Order sa isang stall sa kaparehong wet market dahil sa pagtitinda naman ng isda na masyadong mahal ang presyo at hindi sumusunod sa farm gate price.    ROSE LARA