13 TAON NAGTAGO, KILLER NG PSG TIMBOG

NBI AGENTS

TULUYAN ng naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang suspek na tinatayang 13 taon ng nagtatago sa batas dahil sa pagpatay sa miyembro ng Presidential Security Group kamakailan.

Kasalukuyan ng nakapiit sa NBI detention cell ang suspek na kinilalang si Ronnie Rivera at nahaharap sa kasong pagpatay kay PO2  Gabriel L. Gabriel, mi­yembro ng PSG.

Si Rivera ay natimbog ng NBI Task Force Against Illegal Drugs sa San Pedro Laguna.

Bukod kay PO2 Gabriel na binaril at napatay ni Rivera noong ­Hunyo 19, 2016 sa Tondo, Maynila, pinatay rin umano ni Rivera ang isang Erick Limpin sa Maynila noong 2002.

Nakatanggap naman ng impormasyon  ang NBI noong Marso 19, positibong nakita  si Rivera sa Harmony Homes San Pedro, Laguna, kaya agad na inilatag ang pagdakip sa akusado gamit ang warrant of arrest na inisyu ng Manila Regional Trial Court kung saan siya nahaharap sa kasong murder.

Hindi naman nagawang pumalag ng suspek nang arestuhin ng NBI na nakumpiskahan pa ng isang kalibre 45 Armscor pistol, limang bala para sa kalibre 45, 14 na piraso ng bala para sa .38 na baril at isang magazine para sa .45 baril.

Lumabas din sa imbestigasyon ng NBI na nakapangalan sa isang Fontanos Florante Red ng Bacoor, Cavite ang kalibre .45 habang iniimbestigahan na rin ngayon kung paano napunta sa kustodiya ng suspek ang naturang armas.       PAUL ROLDAN

Comments are closed.