ZAMBALES-HINDI nakalusot sa check point at arestado ang 13 katao na nagpakita ng pekeng travel documents nitong Linggo sa kahabaan ng National Highway sakop ng Barangay Magsaysay, Castillejos ng lalawigang ito.
Kinilala ni Zambales Provincial Police Office chief P/Col. Romano Velayo Cardiño ang mga nadakip na sina ) Patrick Sison 2) Jhian Enriquez y Candelaria; 3) Sean Lacanilao y Arada, 4) Kenneth Carbungao y Villena; 5) Jayson Pineda y Baluyot; 6) Warren Bautista y Pineda; 7) Mark Mallari y Manalota; 8) Christian Baladad y NMN; 9) Ian Dayrit y Topaca; 10) Paula Paguinto y Balingit; 11) Raniel Ramoneda y Deocera; 12) Elvin Ocampo y Concepcion; 13) Joshua Mendoza y Palo, pawang residente ng Barangay Lourdes, North West, Angeles City, Pampanga.
Ayon kay P/LT Jaleil L, Balading, hepe ng Zambales PPO Public Information Office na nakabase sa Camp Captain Conrado D. Yap, Iba, Zambales, nadakip ang mga suspek ng mga operatiba ng Castillejos Municipal Police Station sa pakikipag-ugnayan Police Station 6 Angeles City, Pampanga, dahil sa pagpapakita ng pinekeng Regional Joint Task Force Covid Shield Travel Authority sa isang checkpoint sakay ng kulay puting Toyota Hi Ace Van na may plakang CAO-9564 na patungo sana ng Botolan Zambales.
Dinala ang mga suspek at ang gamit na travel documents sa himpilan ng pulisya para sa proper disposition sa paglabag sa umiiral na IATF regulations. VERLIN RUIZ
736166 794788Thanks for the info provided! I was researching for this article for a long time, but I was not able to see a dependable source. 944901