ZAMBALES- NASA 130 Indigenous People ang nabiyayaan sa isinagawang outreach program ng 69th Infantry (Cougar)Battalion ng 7th Infantry Division ng Philippine Army sa komunidad ng Brgy. Buhawen sa bayan ng San Marcelino sa lalawigang ito nitong Mayo 19.
Katuwang ng militar ang San Marcelino Municipal Police Station, Municipal Social Welfare and Development Office, at LGU.
Nabigyang ng foodpacks ng NGCP ang nasa 50 pamilya mula sa tribu ng Aetas bukod pa ang hygiene kits at libreng gupit.
Ayon kay Army Lt. Col. Marcelo Valdez Jr., Commanding Officer of 69IB bahagi ng kanilang mga programa at pagtulong sa pamamagitan ng mga basic services partikular sa most vulnerable sectors.
Tiniyak naman ni 7ID Commander Army Maj. Gen. Andrew Costelo na makakatulong ang magandang ugnayan ng militar, pulis at komunidad ng mga katutubo. THONY ARCENAL