130 KATAO NA NAILIGTAS SA CEBU

rescue

NA-RESCUE ng awtoridad ang halos 130 katao na lulan ng motorbanca na nakasagupa ng malalaking alon sa karagatang sakop ng Olango Island, Cebu.

Patungo as Getafe, Bohol ang motorbanca mula bayan ng Cordova, Cebu, nang maganap ang malakas na hangin at alon alas-8 ng umaga.

Nag-arongkahe sa isang isla ang bangka at naghintay na masagip ng mga elemento ng Philippine Coast Guard—Mandaue.

Dinala ng awtoridad ang 130 passengers at pitong crew members sa Hilton Wharf sa Lapu-Lapu City.

Wala namang nasugatan sa nasabing insidente, ayon sa Philippine Coast Guard—Cebu spokes-person Lt. Jr. Grade Michael Encina. EUNICE C.

Comments are closed.